NEWS UPDATES

Naagnas na bangkay, nakitang palutang-lutang sa ilog ng Arakan, NCot

(Arakan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Nasa state of decomposition na ng matagpuang palutang-lutang ang bangkay sa may ilog ng Barangay Badiangon, Arakan, North Cotabato alas 2:00 ng hapon nitong Biyernes.

Ayon kay PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP agad namang kinuha ang nasabing bangkay ng ilang mga barangay opisyal ng Mahongkog, Magpet at ng mga kamag-anak ng biktima.


Kinilala ang biktima na si Noli Guillermo, 49-anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Noa sa bayan ng Magpet.

Ang bangkay ay nagtamo ng sugat sa ulo nito na posibleng dahilan ng kamatayan nito.


Inaalam pa ngayon kung may foul play sa pagkamatay ng biktima. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento