NEWS UPDATES

MPCORE at CENCOM students, nagkawanggawa sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Bakas sa mukha ng  mga bata at mga magulang sa Lower Silangan ng Barangay Cuyapon, Kabacan, Cotabato ang  sobrang tuwa matapos makatanggap ng  ng mga damit mula sa MORO Peoples Community Organization Reform and Empowerment o Moro PCORE  katuwang ang College of Engineering and Computing sa University of Southern Mindanao nitong nakaraang Sabado.

Maliban dito, namigay din ang nabanggit na organisayon ng mga damit sa Purok Malimo at mga school supplies naman sa Madrasatol Ib’no Annas Al-Islamiya katuwang ang mga mag-aaral mula msa CENCOM sa pangunguna ni Local Student Government  Gov. Ronald P. Rocha.


Bukod sa mga nabanggit na lugar, namahagi rin ang ang grupo ng MORO PCORE  ng mga damit at mga pagkaing de lata na sa Purok Kweba ng Barangay Pisan, Kabacan, Cotabato kung saan ilan sa kanilang ipinamigay ay  nanggaling pa sa sister organization nito sa Los Angeles sa Amerika.

Ang MORO PCORE ay isang Non-Government Organization na pinamumuuan ng kanilang  Executive Director na si Zaynab Afdal Ampatuan.

Konektado ka sa mga balita mula sa Kabacan PNP, USM DevCom Intern, Jhar Didatar, DXVL NEWS!


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento