NEWS UPDATES

Mga nakumpiskang illegal na troso sa Kabacan, naibigay na sa ilang mga paaralan sa bayan

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Naiturn-over na ang mga nakompiskang mga kahoy sa recipient na napili ng LGU Kabacan alas 2:00 kahapon ng hapon.

Pinangunahan ni Hon. Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ang pagturn-over ng mahigit pitong daang board feet na mga kahoy o lumbers sa Lower Silangan Moro People’s organization na nirepresentahan ni Mr. Muslimen Dandoy ang presidente ng nasabing organisasyon.


Ayon pa kay Mr. Dandoy ang mga kahoy ay gagamitin para sa pag papagawa ng mga upuan ng mga estudyante sa Arabic School o Madrasah sa Sitio Lower Silangan, Cuyapon, Kabacan, Cotabato.

Ayon pa sa kanya, isa itong napakalaking tulong upang mabigyan ng maayos na paaralan ang kanilang mga estudyante.

Ang proyektong ito ay isa lamang sa mga priority projects na nakapaloob sa UNLAD Kabacan na programa ni Mayor Guzman. Partikular dito ay ang pagpapalakas at pagpapatibay ng mga Madrasah schools upang mabigyang gabay at magkaroon ng magandang kinabukasan ang mga bata.

Kasabay niya sa pagturn over ng kahoy ay ang representatives ng PNP, Barangay Council ng Cuyapon, at MENRO, DENR XII-CENRO 4-a.


Matatandaan na taong 2013 nagkaroon ng massive operation ang DENR-CENRO, AFP, PNP, LGU MENRO at ibat-ibang miyembro ng Barangay councils sa paghuli ng mga illegal na pagtotroso at pagpupuslit ng mga kahoy na walang kaukulang papeles. Rhoderick BeƱez with report from Sarah Jane Guerrero

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento