NEWS UPDATES

Mag-ama, 1 pang suspek patay, habang 1 pa kritikal sa nangyaring pananaksak at pananaga sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ February 13, 2014) ---Tatlo ang naiulat na nasawi habang 1 dito ang nasa malubhang kalagayan sa nangyaring pananaksak at pananaga sa Sitio Midsapakan, Barangay Napalico, Arakan, North cotabato alas 12 ng hating gabi nitong Martes.

Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang mga napatay na sina Roger Mansugod at Raul Mansugod mag-ama na nagtamo ng pananaga ng iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan na nagging dahilan ng agaran nitong kamatayan.


Ang dalawa ay kapwa residente ng Kitaotao, Bukidnon at pinaniniwalaang mga Indigenous People o IP’s.

Patay on the spot naman si Alvin Bunsuran matapos itong pagsasaksakin ng mag-amang nanlaban din sa kanila.

Habang kritikal naman ang isa pa nilang kasama na kinilalang si Marlon Tambog na mabilis na isinugod sa Davao Medical Center.

Agad namang tumakas ang mga suspek na kinilalang sina Mark Tambog at Ronron Tambog sa di malamang direksiyon.

Sinabi ni PSI Oranza na naka-inom umano ang mga suspek na sina Alvin Bunsuran, Marlon Tambog, Mark Tambog at Ronron Tambog ng hinarras nila ang mag-ama.

Ang dalawang Tambog ay at-large pa sa ngayon.

Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Arakan PNP para alamin ang motibo ng insedente at mapanagot sa responsible sa nasabing krimen. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento