NEWS UPDATES

Kabacan Civil Registrar, Magsasagawa ng Libreng Registration

(Kabacan, North Cotabato/ February 20, 2014) ---Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Registration Month ngayong taon magsasagawa ng isang araw na libreng registration ang Kabacan Municipal Civil Registrar sa buwang ito.

Ayon kay Municipal Civil Registrar Officer Gandy Mamaluba ang makakakuha lang ng libreng birth certificate ay ‘yung may mga anak lang na may edad isang buwan pa lamang na hindi pa narehistro.


Libre din ang pagkuha ng certificate of death at certificate of marriage sa parehong araw.

Gagawin ang pag-anunsyo ng libreng registration kasabay sa convocation ngayong darating na Lunes ng umaga, February 24, 2014 sa harapan ng Municipal Hall ng Kabacan.


Temang ng selebrasyon ngayong taon ay “Ikaw at ako tungo sa wastong pagrehistro”. Ruvey Mae Pagaran, USM DevCom Intern, DXVL News!

1 komento: