NEWS UPDATES

Ilang USM Constituents, nagpahayag ng kanilang saloobin sa bagong liderato

(USM, Kabacan, North Cotabato/ February 14, 2014) ---Nagpayahag ng kanilang saloobin ang ilang USM Constituents kaugnay ng pagkakahalal ni Dr. Francisco Gil Garcia bilang bagong presidente ng pamantasan. Ilan sa mga ito ang nagpahayag ng kanilang mga inaasahan sa bagong administrasyon.

Samantala, ilan sa mga ating nakapanayam ang nagbigay ng kanilang saloobin sa pamamagitan ng written interview. 


Una, isang lider na walang balak magpakasasa sa yaman ng pamantasan.
Pangalawa, bibigyang pansin ang pangkalahatang kapakanan ng pamantasan at hindi ng iilan grupo lamang at pangatlo,tapat, may transparency, objective, at hindi mapaghiganti.

Pati sa social media gaya ng facebook ay naging maugong din ang pagkahalal ng bagong USM president.


Sa pangkalahatan, umaasa ang ilang mga USM Constituents na ang bagong liderato ay mayroong magandang hangarin para sa pamantasan upang mapabilang ang pamantasan sa mga de-kalidad na pamantasan sa bansa. Abdullah Matucan, USM Devcom Intern

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento