NEWS UPDATES

Day Care Center ipapatayo sa Kayaga, Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 27, 2014) ---Matagumpay na binuksan ang pagpapatayo ng Day Care Center sa Kayaga, Kabacan, Cotabato.

Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng P750,000, ito ay  pinaglaanan ng pundo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD at may local counter part na P19,375.


Layunin ng pagpapayato ng Day Care Center ay upang hubugin ang mga bata sa pisikal, emosyonal, kaisipan, moralidad at espiritwal na aspeto.

Ang loteng pagtatayuan ng Day Care Center ay donasyon ni Bayana Kukay.

Dagdag pa ni Municipal Monitor, Engineer Mila Caladron ang nasabing proyekto ay nakatakdang tapusin ng 75 na araw. USM DEVCOM Intern Jhar Didatar para sa DXVL NEWS!



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento