NEWS UPDATES

CHEFS at 58, ipinagdiriwang

(Kabacan, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Matagumpay na ipinagdiriwang ng College of Human Ecology and Food Sciences ang ika 58 taong annibersaryo ng kolehiyo na may temang “Maximizing the potentials of CHEFS at 58”.

Ginanap ang nasabing selebrasyon noong Pebrero 21, nagkaroon ng parade at opening program na dinaluhan ng speaker na si Mary Ann Uy Provincial Dietician ng Sultan Kudarat.



Pinakatampok naman sa pagdiriwang ang Search for Mr. and Ms. Chefs 2014 na nilahukan ng 16 na kandidata – 8 lalaki at 8 babae, pinalad namang mag-uwi ng Korona at manalo nila Harold Booph Villas,3BSND para sa Mr. Chefs at Angelica Riogelon 1BSFT para sa Ms. Chefs. Karen Claire Campollo, USM DEVCOM INTERN, DXVL NEWS

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento