NEWS UPDATES

Alagad ng simbahan patay sa pamamaril sa Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/ February 10, 2014) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon sa pagpaslang sa isang Diyakono ng Penticostal Church sa Sitio Sarmiento, Brgy. Dado, Alamada, North Cotabato.

Kinilala ni PCI Joefrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Reynaldo Manganyan Gutoman, 43-anyos at residente ng nasabing lugar.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat, naglalakad pauwi ang biktima kasama ang kanyang pamilya buhat sa kanilang simbahan mga ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang bahay matapos na dumalo ng pang-gabing pananambahan ng paputukan ang mga ito ng baril.

Sa likod ang tama ng biktima na tumagos sa dibdib nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Narekober sa crime scene ang bala ng kalibre 5.56 rifle na siya’ng ginamit ng suspek sa pamamaril noong gabi ng Biyernes.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ang motibo sa nasabing pamamaril habang, nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento