NEWS UPDATES

32-anyos na magsasaka, sugatan sa pananaksak sa Alamada, North Cotabato

(Alamada, North Cotabato/ February 11, 2014) ---Sugatan ang isang 32-anyos na magsasaka makaraang pagsasaksakin ng kainuman nito sa Sitio Pangkat, Barangay Dado, Alamada, North Cotabato alas 9:30 ng gabi nitong lingo.

Kinilala ni PCI Joefrey Todeno, hepe ng Alamada PNP ang biktima na si Celso Gabredo Villanueva residente ng Lower Dado ng nasabing lugar habang nakilala naman ang suspek na si Danny Abadinas Paran, 37 residente rin ng nasabing lugar.


Nagtamo ng saksak ang biktima sa kaliwang dibdib nito dahilan para isugod sa Alamada Provincial Community Hospital para sa medikal na atensiyon.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, bago nangyari ang insedente naglalaro pa ng baraha ang dalawa at nag-inuman hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo at humantong sa pananaksak ni Paran kay Villanueva gamit ang isnag kutsilyo.

Matapos ang insedente mabilis na tumakas ang suspek.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Alamada PNP. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento