NEWS UPDATES

2 drug couriers, arestado sa isinagawang highway check ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Arestado ang dalawang mga lalaking tulak droga makaraang ma-intercept ang mga ito sa isinagawang highway check ng mga elemento ng kapulisan sa Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 12:25 ng medaling araw kanina.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga nahuli na sina Joeber Aribal, 3, kasado at Richard Magallon, 24, binata kapwa residente ng Poblacion, Carmen.


Narekober sa pag-iingat ng dalawa ang 5 piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalalaman ng suspected shabu.

Agad namang inilagay sa kustodiya ng Kabacan PNP ang dalawa para sa masusing imbestigasyon habang naka-impound naman ang motorsiklo na ginamit ng dalawa na Yamaha 110 na may license plate 6128 MB.

Ayon sa report, ang nasabing motorsiklo ang siya’ng ginagamit ng mga suspek sa pagtutulak ng illegal na droga.


Sa ngayon inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong kakaharapin ng mga ito. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento