NEWS UPDATES

1 sugatan sa aksidente sa Highway ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Sugatan ang isang 54-anyos na babae sa nangyaring aksidente sa Kabacan Terminal Complex, Kayaga, Kabacan Cotabato kamakalawa ng hapon.

Batay sa ulat ng Kabacan traffic division sangkot sa nasabing aksidente ang weena Bus na may license plate MUV 405 na minamaneho ni Ronald Espino at tricycle na minamaneho naman ng isang Abdul Macalige, 35 taong gulang may-asawa at tubong Kabacan.


Bukod sa pagkakasugat ng pasahero ng tricycle na kinilalang si Corazon Antonio 54 ng Barangay Pisan ay nabasag din ang salamin sa harapan at gilid nito.


Patuloy pa ang ginagawang imbestigahan ng Kabacan PNP. Rhoderick Benez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento