NEWS UPDATES

Wanted sa batas, arestado ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Kabacan/ January 30, 2014) ---Arestado ng mga otoridad ang suspek hinggil sa paglabag sa illegal possession of bladed weapon sa USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:00 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan ang suspek na si Tinte Mokalam Masukat, nasa tamang edad at residente ng Purok Krislam ng bayang ito.

Natiklo ang suspek sa isinagawang joint operation ng Kabacan PNP at mga element ng RPSB 12 sa bias ng warrant of arrest na inilabas ng Kabacan Municipal Trial Circuit Court na may Criminal case number 6139.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang suspek.

Sinabi ni Supt. Maribojo na nagpapatuloy ang oplan manhunt nila sa mga wanted na personahe sa Kabacan na mga responsable sa mga nangyayaring krimen sa bayan.

Dagdag pa ng opisyal na ang mga ito ang banta sa seguridad sa bayan at minsan pa’y salot sa umuusbong na ekonomiya ng bayan. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento