NEWS UPDATES

USM-CBDEM, ni-ransak; mga computers at mahigit P50K cash, nalimas

(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 8, 2014) ---Nilooban ng mga di pa nakilalang mga salarin ang College of Business and Development Economic Management o CBDEM ng University of Southern Mindanao.

Ayon kay CBDEM Dean Dr. Lope Dapon posibleng nangyari umano ang pag-ransak sa kolehiyo kahapon ng madaling araw.


Ayon sa report, dalawang unit ng computers ang natangay ng mga suspek, 5 mga wall fans at perang nagkakahalaga ng P50,000.00.

Sinira umano ng mga kawatan ang likurang bahagi ng gate ng college para gawing entry point at pwersahang binuksan ang mga pintuan ng Business Administration department at silid ng Research, ayon pa kay Dr. Dapon.

Hinalungkat pa ng mga ito ang mga drawers na mesa ng mga faculty.


Palaisipan para sa mga taga-CBDEM kung bakit nalusutan ng mga kawatan ang mga ito gayung may nakabantay naming security guard tuwing gabi sa palibot ng Pamantasan. Rhoderick Benez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento