NEWS UPDATES

Upper Respiratory Track Infection o URTI dumarami ang kaso sa mga kababaihan sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2014) ---Dumarami ngayon ang may mga sakit na Upper Respiratory Track Infection o URTI sa Kabacan, North Cotabato.

Ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon karamihan sa mga tinatamaan ng naturang sakit ay ang mga kababaihan.


Ito dahil na rin sa pabago-bagong panahon at kakulangan sa sustansiyang kinakain.

Sinabi ni Cabellon na tumatama ang naturang sakit sa ilong at sa lalamunan dahilan para maimpeksiyon at humahantong sa URTI kung di agad maagapan.

Bukod dito, pumapangalawa naman sa mga nailistang sakit sa RHU Kabacan ay ang hypertension o high blood na sinasabing traidor na sakit.


Kaugnay nito, nagpaalala naman ang RHU Kabacan sa publiko na panatilihing maging malusog, iwasan ang pagpupuyat, kumain ng masustansiyang pagkain at mag-ehersisyo araw-araw. Rhoderick BeƱez with report from Febelyn Arconado USM Devcom Intern

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento