NEWS UPDATES

“Unlad Kabacan” slogan, ilalarga na

(Kabacan, North Cotabato/ January 30, 2014) ---Kung maipasa na bilang batas, gagamitin na bilang opisyal na pagbati ng mga taga-Kabacan ang katagang “Unlad Kabacan”.

Ayon kay Information Officer Sarah Jane Guerrero ang nasabing tema ay binuo matapos ang isinagawang Municipal Development Council meeting kahapon.


Kaugnay nito, sinabi ng tagapagsalita ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan na isusulong ni Councilor Jonathan Tabara ang paghahain ng nasabing panukala kasama na ang logo, slogan at ang ilan pang banner program ng pamahalaang lokal.

Aniya, ito na ang gagamiting pagbati ng mga Kabakeńos sa lahat ng tao maging sa lahat ng okasyon kung ang Priority Program ni Mayor Herlo Guzman, Jr ay maaprubahan ng Sangguniang Bayan.

Ayon pa sa opisyal, ang Unlad Kabacan ay nagpapahiwatig ng development direksyon ng Kabacan.

Hinimay-himay din ang nasabing tema at dumaan sa mainit na diskusyon ng mga punong barangay kasama na ang mga kasapi ng konseho sa isinagawang MDC kahapon.

Nabuo ang konsepto, para may sariling identity ang Kabacan, kagaya ng Sa General Santos City na “Magandang Gensan” Koronadal city na “Kanami Koronadal” at Davao del Sur na “Garbo namu na kami taga-Davao del Sur”. Rhoderick Beñez with report from Sarah Jane Guerrero


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento