NEWS UPDATES

Suspek sa pagnanakaw ng alahas sa Kabacan, North Cotabato; arestado

(Kabacan, North Cotabato/ January 31, 2014) ---Kulungan ang bagsak ng 30-anyos na magnanakaw makaraang mahuling tumangay ng mga alahas sa Sugni Superstore, Kabacan, North Cotabato alas 9:00 ng umaga kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Mark Gay Avens nasa tamang edad residente ng Brgy Kilada, Matalam, Cotabato.


Ayon sa report, nahuli ang suspek sa pagnanakaw ng 3 piraso ng gold ring at 2 pirasong silver ring.
Sinapak pa umano ng suspek ang sales lady ng nasabing establisiemento ng hanapan ito ng mga nawawalang alahas.

Dahilan para maagaw ang atensiyon ng security guard at doon na narekober ang mga ninakaw nitong alahas.

Sa ngayon nasa kustodiya ng Kabacan PNP ang suspek habang inihahanda ang kasong kakaharapin nito. Rhoderick BeƱez with report from USM Devcom intern Febelyn Aguirre Arconado, DXVL news


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento