NEWS UPDATES

Paglalagay ng mga kulungan sa mga Barangay sa Kabacan, isinusulong sa Sanggunian

(Kabacan, North Cotabato/ January 10, 2014) ---Ipinanukala ngayon sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ng isang konsehal ang paglalagay ng lock up cell at mga check point sa mga barangay ng Kabacan.

Ito ang isinusulong sa komiteng hawak ni Councilor Rhosman Mamaluba sa isinagawang regular na session ng SB kahapon.


Ang nasabing resolusyon ay isasangguni pa ni Mamaluba sa committee hearing na gagawin nila sa susunod na linggo.

Dadaan pa umano ito sa masusing pag-aaral.

Kung mapagtibay ito, pwede na aniyang makapag-kustodi ng mga lumalabag sa batas ang barangay council ng Kabacan sakaling di agad makaresponde ang mga kapulisan lalo na sa mga malalayong barangay. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento