NEWS UPDATES

Libreng Medical at Dental Check-up Sa Brgy. Malanduage Kabacan North Cotabato, isinagawa

(Kabacan, North Cotabato/ January 22, 2014) ---Kasabay ng pagdiriwang ng ika-66th foundation anniversary ng barangay Malanduage kabacan Cotabato ay nagsagawa din ang LGU Kabacan ng Libreng Medical at Dental Check-up nuong lunes sa nasabing Baranggay sa pungunguna ni Mayor Herlo P. Guzman.

Tuwang-tuwa naman ang mahigit 500 na bata matapos mabigyan ng mga tsinelas kasabay ng nasabing programa.

Dagdag pa dito nagtalaga siya ng 300,000 pesos kada barangay, ngunit naka depende ito sa budget proposal na isusumite ng bawat barangay sa mayors office bago niya aprubahan ang nasabing budget.

Dumalo rin sa nasabing pagdiriwang ang ilang mga Kapitan at mga Kagawad upang makisaya at magpartisipa sa mga aktibidades. Febelyn Agueri Arconado, USM Devcom Intern DXVL News


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento