NEWS UPDATES

Kaguluhan sa hangganan ng North Cotabato at Maguindanao, tiniyak na walang spill over ---Col. Hermoso

(Maguindanao/ January 28, 2014) ---Tiniyak ngayon ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na hindi na lalawak ang kaguluhan sa ibang lugar, matapos na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng sundalo at ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF sa boundary ng North Cotabato at Maguindanao, kamakawala.

Ito ang sinabi ng tagapagsalita ng 6th Infantry Division Col. Dickson Hermoso sa panayam sa kanya ng DXVL News.

Ayon sa opisyal naglunsad ng opensiba ang militar sa bandidong BIFF matapos na ipataw ang warrant of arrest sa mga ito dahil sa mga ginawa nilang karahasan sa ilang lugar sa North Cotabato at Maguindanao nitong mga nakalipas na buwan dahilan ng nangyaring sagupaan kamakalawa at kahapon ng umaga, ayon kay Hermoso.

Kaugnay nito, wala namang may naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng pamahalaan habang patuloy pang inaalam sa panig naman ng kalaban.

Daan-daang mga residente na rin ang nagsilikas matapos na maipit sa nasabing kaluguhan sa boundary ng Paidu Pulangi sa bayan ng Pikit at Shariff Saidona Mustapha sa lalawigan ng Maguindanao.

Tinukoy naman ng tagapagsalita ng militar na kagagawan ng BIFF ang roadside bomb na sumabog sa Barangay Nabalawag sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kahapon ng madaling araw habang papadaan ang tropa ng militar sa lugar.


Bagama’t di naman nasabugan ang mga sundalo, nagdulot naman ito ng tensiyon at pangamba sa lugar. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento