NEWS UPDATES

Iba’t-ibang klase ng baril at pampasabog, narekober sa dating sundalo sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ January 7, 2014) ---Arestado ang dating kasapi ng sundalo makaraang mahulihan ng pagdadala ng illegal na baril, bala at mga pampasabog sa Poblacion, Arakan, North Cotabato alas 4:00 ng hapon kahapon.

Kinilala ni PSI Rolly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang suspek na si Franny Sasi alias Nonoy, 34-anyos, kasado at residente ng Sitio Kanit, Brgy. Poblacion, Arakan.


Ayon sa pulisya nahuli ang suspek matapos na ireport ito na may tinutukan siya sa Brgy. Malibatuan.

Nahuli na ito sa isinagawang highway check sa Poblacion ng papunta ang biktima.

Narekober mula kay Sasi ang iba’t-ibang klase ng baril at pampasabog kasama na dito ang isang unit portolite, caliber 22, isang granada at iba’t-ibang klase ng bala ng baril.

Maliban dito, nakuha din sa kanya ang isang unit ng XYM motorcycle na may red plate number PN 3895 LB.

Agad namang dinala sa himpilan ng Arakan PNP ang mga nakumpiska buhat sa suspek.

Sa ngayon kalaboso ang susepk sa Arakan lock up cell habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya. Rhoderick Benez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento