NEWS UPDATES

Barangay Kagawad, patay sa pamamaril sa Pikit, North Cotabato

(Pikit, North Cotabato/ January 6, 2014) ---Patay ang isang barangay kagawad matapos na pagbabarilin ng mga di pa nakilalang suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas sa Provincial road sa brgy. Ladtingan, Pikit, North Cotabato alas 2:00 ng hapon nitong Sabado.

Kinilala ni PCInps. Joeffrey Todeno, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Teng Dimacali, konsehal ng brgy. Tapodoc, Aleosan, North Cotabato at residente ng nasabing lugar.


Nagtamo ng malubhang tama ng bala ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Naisugod pa si Dimacali sa pinakamalapit na bahay pagamutan pero di na ito umabot pa ng buhay.

Patuloy pa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang motibo sa nasabing pamamaril. Rhoderick BeƱez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento