NEWS UPDATES

2 sugatan sa aksidente sa highway sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ January 29, 2014) ---Sugatan ang dalawang mga drayber ng motorsiklo matapos na masangkot ang mga ito sa aksidente sa National Highway sa bahagi ng Barangay Nasapian, Carmen, North cotabato alas 9:10 kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng Carmen PNP Traffic Division ang mga sugatan na sina John Librando, resident eng Poblacion Carmen at minamaneho ang kulay pulang Yamaha single motorcycle habang sugatan din ang isang Abdul Bayan Bida at residente ng Tupig ng nasabing lugar.


Ayon sa report aksidenteng nabangga ang dalawang motorsiklo sa harap ng Leoncito Solar dryier, dahil sa lakas ng impact kapwa nag-iwan ng pinsala sa dalawang sasakyan at sugat sa mga motorista ang nasabing aksidente.

Patuloy pa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Carmen PNP sa nasabing insedente. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento