Naganap
ang pamamaril sa harap ng Allan’s bookstore na nasa USM Avenue. Sa panayam ng
DXVL sa mga trabahante ng naturang tindahan, nabatid na bumili ng kandila ang
vice-mayor dakong alas-tres ngayong hapon.
NEWS UPDATES
▼
(Update) .45 na pistola ginamit sa pagbaril sa Vice Mayor ng Kabacan, North Cotabato
(Kabacan,
North Cotabato/ January 11, 2013) ---Isang tama ng kalibre 45 pistola ang
tumapos sa buhay ni Kabacan vice mayor Policronio Dulay ngayong hapon lamang sa
kacan, Cotabato.
SB-Kabacan magpapasa ng resolusyon para sa reward money sa makapagturo sa suspek sa pagbaril kay vice Mayor Pol Dulay
(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2013)
---Nakakalungkot para sa mga mamamayan ng Kabacan ang nangyaring pagbaril patay
kay Vice Mayor Policronio Dulay.
Agad namang kinondena ngayon ng ilang mga
grupo at mga kasamahan sa trabaho at gobyerno ang nasabing insedente.
Sa panayam kay councilor Reyman Saldivar,
agad silang magpapasa ng resolusyon sa sangguniang bayan ng kabacan para
magpapalabas ng pondo sa sinuman ang makakapagturo sa nagbaril sa pangalawang
ama ng bayan.
Vice Mayor sa North cotabato, patay sa pamamaril

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si
Kabacan Vice Mayor Policronio Dulay na resident eng lugar sakay sa kanyang
scooter na motor ng papalabas ito sa isang tindahan ng sito ay pagbabarilin.
Bulagta ang biktima at duguan matapos na
pagbabarilin.
Pagsunod sa higher education reform agenda na iniatas ng CHED, ipinapangako ng Pangulo ng USM
(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 9,
2013) ---Matapos na muling nailuklok sa pwesto si USM Pres. Dr. Jesus Antonio
Derije, upang maglingkod ng apat na taon sa University of Southern
Mindanao, ipinapangako nito na tatalima siya sa iniatas ng Commission on Higher
Education na higher education reform agenda.
Aniya, kung anuman ang mga
kursong offer ng charter ay dapat na ayusin at ipagpatuloy kagaya ng
magagandang resulta ng licensure exam sa akademik matters, mga pangangailangan
ng estudyante at faculty.
Sekyu; pinagbababril patay sa Matalam, North Cotabato; most wanted person sa probinsiya, huli sa Carmen, North Cotabato
(Matalam, North
Cotabato/ January 9, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng
Matalam PNP sa kung anu ang motibo sa pagbaril patay sa isang security guard ng
isang agricultural buying station sa loob ng Matalam Public Market, Matalam,
North Cotabato alas 6:00 kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Sr. Insp. Elias
Colonia, hepe ng Matalam PNP ang biktima na si Jerry Carbillos Amatorio, 29,
security guard ng VCL Buy and Sell sa Poblacion ng nabanggit na lugar.
Fort Pikit sa bayan ng Pikit; North Cotabato isa ng Historical LandMark sa bansa; matapos ang pormal na pagpapasinaya ng Provincial Government
![]() |
Photo by: Ralph Ryan Rafael |

Nilalaman ng Bangsamoro Framework Agreement; ipinaliwanag sa mga mamamayan ng Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ January 9, 2013) ---Nagpasalamat ang iba’t-ibang sektor buhat dito sa bayan ng Kabacan sa pag-sponsor ni Kabacan Mayor George Tan ng isinagawang advocacy and educational program hinggil sa nilalaman ng Bangsamoro Framework Agreement sa Municipal gymnasium kahapon ng umaga.
Ito ayon kay Municipal Registrar head Gandy
Mamaluba, ang moderator ng nasabing aktibidad, kungsaan abot sa libu-libung
mamamayan ng bayan ang dumalo sa nasabing programa.
Probinsiya ng North Cotabato; handa na sa turismo ---Gov. Lala
(Makilala, North Cotabato/ January 8, 2013)
---Iginiit ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” Taliño Mendoza na ang probinsiya
ay handa na umano sa turismo, bilang indikasyon na ang peace and order sa lugar
ay maayos.
Bagama’t aminado ang opisyal na di rin
maiiwasan ang mga karahasan na dulot ng mga masasamang elemento, sinabi pa rin
nito na nasa turismo ang pera.
Delayed na pagresponde ng Bureau of Fire; paiimbestigahan ng isang councilor sa Sangguniang bayan ng Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2012)
---Nais ngayong paiimbestigahan ni Councilor George Manuel sa Sangguniang bayan
ng Kabacan ang diumano’y delay na pagresponde ng Bureau of fire Protection sa
sunog na nangyari sa Kilagasan Elementary School sa brgy Kilagsan noong
Miyerkules ng gabi.
Aniya, 30 minuto na nabalam ang pagresponde
ng mga kagawad ng pamatay apoy, bukod pa sa hindi agad nakarating yung isa pang
firetruck na pangtulong sana upang apulahin ang sunog sa bagong konstruksiyong
building ng paaralan na natupok ng apoy.
Unification sa mga kumukontra sa liderato ni USM Pres. Derije, ang naging panawagan ng Pangulo
(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 7,
2013) ---Lubos ang naging kagalakan ni USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije sa
naging resulta ng kanyang evaluation at sa kanyang re-appointment bilang
Pangulo ng USM para sa term na apat na taon na magsisimula ngayong araw.
Ito ang sinasabi ng Pangulo sa isinagawang
press conference sa kanyang tanggapan kaninang umaga sa administration building
matapos ang isinagawang general monthly convocation sa USM gymnasium.
2 malalakas na IED, natagpuan malapit sa tanggapan ng Kidapawan City PNP; agad na na-i-defuse ng EOD team
(Kidapawan City/ January 7, 2012) ---Matagumpay na na detonate ng mga elemento ng 63rd Ordnance Explosive Disposal (EOD) ng Philippine Army ang dalawnag malalakas na pampasabog na itinanim malapit sa tanggapan ng Kidapawan City PNP alas 10:30 kahapon ng umaga.
Ayon kay Supt. Joseph Semillano, bagong hepe ng
Kidapawan City PNP, regular nagasasagawa ng routine inspection sa mga na
impound na mga sasakyan ang isang police ng aksidente nitong makita ang dalawang
60mm na mayroong isang nine volt na battery na naka attached naman sa isang
Nokia 3410 na mobile phone.
Incumbent USM Pres. Dr. Derije; nananatiling Pangulo pa rin ng Pamantsan sa kanyang ikalawang term
(USM, Kabacan, North Cotabato/ January 7,
2013) ---Opisyal ng uupo bilang Pangulo pa rin ng University of Southern
Mindanao sa kanyang ikalawang term si USM Pres. Dr. Jesus Antonio Derije nukas,
January 8, 2013.
Ito ang sinabi sa DXVL ni Board of Regents
Secretary Dr. Nora Manero matapos na makuha ng Pangulo ang majority number of
votes sa katatapos na BOR nitong Biyernes, batay na rin ito sa United stand ng
regents.