NEWS UPDATES

Vice Mayor sa North cotabato, patay sa pamamaril


(Kabacan, North Cotabato/ January 11, 2013) ---Patay ang vice Mayor ng Bayan ng Kabacan, North cotabato makaraang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang salarin sa USM Avenue, partikular sa harap ng Allan’s Bookstore na establisiemento, Poblacion alas 3:00 ngayong hapon lamang.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Kabacan Vice Mayor Policronio Dulay na resident eng lugar sakay sa kanyang scooter na motor ng papalabas ito sa isang tindahan ng sito ay pagbabarilin.
Bulagta ang biktima at duguan matapos na pagbabarilin.

Isang basyo ng .45 na pistol ang narekober sa crime scene.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari pero hindi nila isinasantabi ang pulitika sa nasabing kaso. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento