NEWS UPDATES

‘Mamuhay ng tahimik at walang gulo’ –MILF spokesperson sa pagdiriwangng Amon Jadid

(Kabacan, North Cotabato/ November 4, 2013) ---Kahit hindi mga muslim dapat umanong mamuhay ng tahimik at walang gulo.

Ito ang inihayag na mensahe ni MILF spokesperson Von Alhaq sa panayam sa kanya ng DXVL News kasabay ng pagdiriwang ngayong araw ng Amon Jadid.

Sinabi ni Alhaq na ang Amon Jadid ay isa sa mahalagang selebrasyon ng mga muslim bagama’t walang inihandang malaking aktibidad ang mga ito ngayong araw.

Nabatid na ang Amon Jadid ay ang pagpasok ng 14 na siglo hanggang ika-15 siglo bilang tanda ng pagpunta ni Propheta Mohamad sa Mecca.

Samantala, una nang ideneklara ng National Commission on Muslim Filipinos sa Cotabato City na Muslim Holiday ngayon sa Basilan, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, Cotabato province, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur at sa mga lungsod ng Cotabato, Iligan, Marawi, Pagadian at Zamboanga. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento