NEWS UPDATES

“Respeto sa bawat isa, para sa pagkaka-isa ng mga taga USM” ---Cong. Catamco

(USM, Kabacan, North Cotabato/ October 2, 2013) ---Respeto sa bawat isa, ito ang binigyang diin ni Cotabato 2nd District Representative Nancy Catamco sa kanyang mensahe sa 61st Founding Anniversary ng USM kahapon ng umaga.

Bagama’t maiksi pero malaman ang mahigit lamang sa sampung minutong mensahe ng kongresista.

Aniya, kailangan umano ang paggalang sa bawat isa upang maabot ng USM ang dapat na pangarap nito.

Sinabi pa nito na ang USM ang pinakahalimbawa ng mga tribong Muslim, Christian at Lumad na dapat ay magkaisa.

Humingi din ito ng paumanhin sa lahat ng mga taga-USM sa pagtatalaga bilang OIC kay Atty. Christopher Cabilen, ito dahil sa ang nais ng mga raliyesta noon ay hindi galing sa kanila ang ilalagay sa posisyon dahil sa malinis ang kanilang hangarin, ayon pa kay Congresswoman Catamco.

Pabalik-balik nitong sinabi na malaki ang respeto ng kongresista sa bawat isa, lalo na sa mga faculty, guro at mga mag-aaral ng USM.

Iginiit nitong hindi siya makikialam sa proseso ng pagpili ng Presidente sa USM.

Aniya dapat umanong, ibahagi ang naging karanasan ng paaralan buhat sa mga aral na nakuha sa nagdaang krisis sa Pamantasan.

Sisikapin din nitong mapondohan na ang search committee para malagyan na ng bagong Pangulo ang USM at matahak ang direksiyong dapat nitong puntahan lalo na sa pagbibigay ng de kalidad na edukasyon.


Ang kongresista ay tinaguriang “Diwata ng Apo” at ikalawang termino niya na ngayon bilang kongresista sa ikalwang distrito ng North Cotabato. (Rhoderick Beñez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento