NEWS UPDATES

Granada, sumabog sa M’lang, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ October 28, 2013) ---Hinagisan ng mga di pa nakilalang mga kalalakihan ang harap ng bahay ng isang negosyante sa Roxas St., Poblacion, Mlang, Cotabato alas 9:35 kaninang umaga.

Ayon kay PSI Rolando Dillera, hepe ng Mlang PNP sumabog ang granada sa harap ng gate ng bahay ni Engr. Joselito Gonzales Mercado, nasa tamang edad, residente ng nabanggit na lugar.

Walang namang may naiulat na nasaktan sa nasabing pagsabog pero nagdulot ito ng takot at pangamba sa ilang mga botante sa lugar makaraang inihagis ang granada malapit sa Mlang Pilot Central Elementary School kungsaan kasagsagan ng isinasagawang halalang pambarangay sa lugar.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang pagsisiyasat ng mga otoridad kung anu ang motibo sa nasabing pagpapasabog.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento