NEWS UPDATES

Expanded Benefit ng Philhealth, mapapakinabangan ng mga guro

Simula Kahapon, maaari nang pakinabangan ng mga guro at iba pang empleyado ng Department of Education o DepEd-12 ang benepisyo ng expanded Primary Care Benefit 1 o PCB1 package ng Philhealth na dati ay natatamasa lamang ng mga miyembro sa sponsored program.

Ayon sa Philhealth-12, ang pilot-testing ng PCB1 package sa mga guro at mga empleyado ng DepEd-12 na may kabuuang bilang na hindi bababa sa dalawamput tatlong libo katao ay nangangahulugang hindi na kailangan magkasakit ng isang empleyado ng DepEd bago pa nila mapapakinabangan ang binabayarang premium sa Philhealth dahil maaari na nila itong magamit sa primary preventive care.



Kabilang sa preventive health care ang pagpapakonsulta, screening sa cervical cancer, regular na pagkuha ng blood pressure measurement, taunang clinical breast exam, counseling para sa healthy lifestyle, paghinto sa paninigarilyo at digital rectal exam.

Kasama rin sa serbisyo ang CBC, urinalysis, fecalysis, sputum microscopy, fasting blood sugar, lipid profile at chest X-ray pati na ang medikasyon para sa asthma, acute gastroenteritis with no or mild dehydration, minimal or low risk upper respiratory tract infection at urinary tract Infection.

Bago rito, ang PCB1 package na sinimulang ipinatupad noong taong 2000 ay eksklusibong natatamasa ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program at mga miyembro sa ilalim ng sponsored program o mga mahihirap na pamilyang sinusuportahan ng mga lokal na pamahalaan, pribadong indibidwal, kompanya at iba pang mga sponsor ang pagbabayad sa Philhealth premium. Roderick Bautista

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento