NEWS UPDATES

Ex-Army na katiwala ng Plantasyon, Patay sa pamamaril ng NPA sa Arakan, North Cotabato

(Arakan, North Cotabato/ October 22, 2013) ---Bulagta ang dating sundalo na katiwala ng oil palm plantation matapos na pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bahagi ng Barangay Gambodes sa bayan ng Arakan, North Cotabato, kahapon.
 
Sa ulat na nakarating sa Arakan PNP, kinilala ang biktima na si Glen Areola, katiwala ng may-ari ng plantasyon na si ex-Matalam Councilor Saturnino Amatac. 

Nabatid na bago patayin ang biktima ay dinisarmahan muna ng mga rebelde ang mga tauhan ng plantasyon na nagbabantay. 

Inabandona naman ng mga rebelde ang sasakyan na kanilang ginamit sa hangganan ng Arakan at Bukidnon partikular sa Brgy. Gutalib, bayan ng Kitao-tao, Bukidnon. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento