NEWS UPDATES

Diumano’y delayed na sahod ng BHW ng Barangay Kayaga, nirereklamo; Kapitan nagpaliwanag na!

(Kabacan, North Cotabato/ October 23, 2013) ---Nirereklamo ngayon ng ilang mga Barangay Health Workers at mga volunteer’s ng Barangay Kagaya, Kabacan, Cotabato ang diumano’y delay sa kanilang sahod.

Tatlong mga ginang ang dumulog sa himpilan ng DXVL para ipanawagan sa kanilang barangay ang pagkakabalam ng kanilang honorarium para sa buwang ito.

Ayaw namang magpabanggit ng pangalan ang tatlo.

Paliwanag naman ni Kapitan Bong Bacana ng Barangay Kayaga na may dinaluhang training ang kanyang treasurer at secretary kaya di agad nila na-i-release ang pera at hindi rin umano nagbibigay ng monthly report ang mga BHW na basehan ng Kapitan para sa pagpapalabas din ng kanilang sahod.

Iginiit ng Kapitan na wala rin umanong katotohanan na kanyang binibitin ang sahod ng mga volunteers nito sa barangay, katunayan aniya, naglalabas siya ng sarili niyang pera kung ma-delay ang sahod ng mga volunteers nito sa barangay.

Itinanggi din nito na hawak diumano ng kanyang Misis at anak ang pampasahod para sa mga BHW.


Sinabi ni Kapitan Bacana na paninira lamang ito sa kanya dahil sa papalapit ang barangay eleksiyon at nagpapa-re-elect ito bilang Punong Barangay ng Kayaga. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento