NEWS UPDATES

2 proyekto ng Provincial Government sa ilang brgy. sa Matalam, North Cotabato; pinasinayaan

(Matalam, North Cotabato/ October 3, 2013) ---Pinasinayaan kamakailan ang ipinatayong proyekto ng Cotabato Provincial Government sa dalawang barangay sa bayan ng Matalam, North Cotabato.

Pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang inagurasyon ng multi-purpose building sa Barangay Bato na nagkakahalaga ng P600, 000 at covered court sa barangay Linao na nagkakahalaga ng P1.2M.

Personal na tinungo ng gobernador ang malayong barangay ng Matalam para sa isinagawang turn-over ceremony bilang bahagi ng proyekto nito sa ilalim ng “Serbisyong Totoo” advocacy program, ito ayon sa report ni Provincial government MEDIA- Jimmy Santacruz.

Pinasalamatan naman ng mga residente sa lugar ang nasabing proyekto ng Pamahalaang probinsiya na pinangunahan ni Kapitan Liberato Urbano ng brgy. Bato at Punong Barangay Lerio Cabunducan ng Barngay Linao.


Sa nasabing okasyon, nabigyan din ng probinsiya ng libreng merienda, tsinelas at mga gamut ang mga bata at senior citizens sa lugar. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento