Ito ang ibinunyag ng dalawang suspek na una nang nahuli ng mga awtoridad matapos magkahabulan sa Public Market Area ng Midsayap.
Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Digo Cadi Bagcal na taga Pikit, North Cotabato at Muhamad Dampon Pagayao na taga Cotabato City.
Batay sa report, pinangakuan sila ng itinuturong mastermind sa krimen na si Adam Guiamad Sansaluna ng abot sa 200 hanggang 300 libong piso kung matangumpay na madukot ang negosyanteng si Monalita Sedenio.
Dagdag pa ng dalawa, inutusan sila ni Sansaluna na dalhin ang biktima sa Barangay Tumbras kung saan nakatakdang ilipat si Sedenio sa isang pump boat.
Matatandaan na sa nasabi ring Barangay itinakas noon ng mga suspek si Mark Anthony Baya na dinukot noong Hulyo sakay ng pinaniniwalaang pump boat.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang iba pang utak sa tangkang pagdukot. (Rhoderick BeƱez)
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang iba pang utak sa tangkang pagdukot. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento