NEWS UPDATES

Lalaki, arestado sa Kidapawan City dahil sa paglabag sa VAW-C

(Kidapawan City/ October 1, 2013) ---Arestado ng mga operatiba ng Kidapawan City PNP ang isang  Eduardo Ilagan , residente ng Agdao Davao City na may kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence Against Women and their Children (VAW-C).

Ayon kay Kidapawan City PNP Police Officer 1 Richard Ereje, bago ang pag-aresto kay Ilagan ay nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ito sa Kidapawan City.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad at naaktuhan nila ito sa Green Mahogany Gallera, Ninoy Aquino Road.

Kaagad isinilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Dorothy Gonzaga sa RTC branch 4 sa Panabo Davao City.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Kidapawan City PNP lock up cell ang suspek.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento