Ito ang sinabi ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP sa isyung lumabas matapos na mabaril at mapatay ang ilan sa mga may nauna ng criminal record na mga biktima sa Kabacan kamakailan.
Ayon sa opisyal, posibleng personal grudge o onsehan sa kanilang grupo ang motibo sa ilang kaso ng pagpatay sa lungsod.
Aniya, may mga inilatag na umanong hakbang si Mayor Herlo Guzman Jr., para sugpuin ang kriminalidad sa bayan.
Sinabi ni Mayor Guzman na dapat ay masunod ang wastong pagpapatupad ng batas at hindi kinakailangang kumitil ng buhay kasabay ng kanyang panawagan na magkapit bisig para sa ikaunlad ng Kabacan at makiisa sa mga otoridad sa pagsugpo ng krimen. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento