NEWS UPDATES

Chainsaw operator, patay sa pamamaril sa Kabacan, Ncot

(Kabacan, North Cotabato/ September 16, 2013) ---Patay ang isang 35-anyos na chainsaw operator makaraang pagbabarilin ng dalawang di pa nakilalang suspek sa Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 12:10 ng madaling araw kanina.

Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Joel Noah Jr., may asawa at residente ng Upper Mundog Subdivision, Kidapawan City.

Nagtamo ng isang tama ng bala ang biktima sa likod nito na tumagos sa dibdib na naging dahilan na agara nitong kamatayan.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng mga otoridad, nabatid na ang biktima ay nasasangkot diumano sa mga illegal na aktibidad kagaya ng pagtutulak ng ipinagbabawal na gamot, nakawan ng motorsiklo.

Walang basyo ng bala ang narekober sa crime scene kaya di pa matukoy ng mga otoridad kung anung klase ng baril ang ginamit sa nasabing pamamaslang.


Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang hot pursuit operation ng Kabacan PNP para mahuli at mapanagot ang responsable sa nasabing krimen. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento