NEWS UPDATES

4 arestado sa magkahiwalay na operasyon kontra illegal na aktibidad sa North Cotabato

(Kidapawan City/ September 19, 2013) ---Arestado ang apat katao sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad kontra illegal na droga sa lalawigan ng North Cotabato.

Nitong Martes, unang inaresto ang isang lalaki matapos na mahuling nagpapataya ng last-two sa Dayao Street Kidapawan.

Kinilala ang suspek na si George Bautista ,19, residente ng Barangay Lanao, Kidapawan City.

Nahuli ang suspek sa saturation drive na isinagawa ng Kidapawan City PNP.

Nakuha mula kay Bautista ang ilang illegal gambling paraphernalia gaya ng tally sheets, mga resibo at isang libong pisong bet money.

Kasalukuyang nakakulong sa Kidapawan City PNP lock-up cell ang suspek na si Bautista.

Samantala, arestado naman ang tatlo katao matapos na mahulihan ng suspected marijuana leaves sa isinagawang highway inspection ng Pikit PNP sa Poblacion, Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang mga suspek na sina Bejeil Ali Emperado, driver ng motorsiklo at ang dalawang angkas nito na sina  Mojaliden Abdul, 19-anyos at isang menor de edad na lalaki.

Ayon sa report, na-intercept ang tatlo matapos na mabigo ang mga itong magpakita ng official receipt at certificate of registration ng kanilang dalang motorsiklo.

Sa ginawang interogasyon, isinuko ni Emperado sa PNP ang isang plastic bag na may lamang suspected marijuana leaves na nakabalot sa papel.


Sa ngayon, nasa kustodiya ng Pikit PNP ang mga suspek maging ang dala nilang motorsiklo. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento