NEWS UPDATES

1 pinugutan ng ulo, 1 pinagbabaril ng BIFF

(Midsayap, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Isang sibilyan ang pinugutan ng ulo habang pinagbabaril naman ang isa pa ng mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF habang sila ay papatakas dakong alas 9:00 kagabi.

Kinilala ni Police Supt. Reynante Delos Santos, hepe ng Midsayap PNP ang biktimang pinugutan ng ulo na si Recarte Dionio, 31-anyos at si Erwin Diluan, 22-anyos na binaril sa ulo na pawang residente ng Barangay Salunayan, Midsayap, North Cotabato.


Ayon sa report, sina Dionio at Diluan ay dinala ng mga BIFF habang sila ay tumatakas papunta sa Liguasan Marsh.

Kinondena naman ng lokal na pamahalaan ng Midsayap ang karumal-dumal na krimen na ginawa sa mga sibilyan.

Kaugnay nito, tiniyak ni 6ID spokesperson Col. Dickson Hermoso na tutugisin nila ang mga nasa likod ng pag-atake at pagpaslang sa mga sibilyan at papanagutin sa batas upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng dalawang sibilyan, tatlong sundalo at pagkakasugat ng limang iba pa, kabilang ang dalawang residente ng Midsayap. Rhoderick Benez



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento