NEWS UPDATES

1 Patay, 7 sugatan sa road mishap sa Maguindanao

(North Upi, Maguindanao/ September 4, 2013) --- Napaaga ang salubong ni kamatayan sa isang 34-anyos na lalaki makaraang mapatay sa salpukan ng Van at motorsiklo sa North Upi, Maguindanao, kahapon.

Kinilala ang nasawi na si Roel Castro, 34, residente ng Barangay Azucena, North Upi.


Ayon sa report, patay on the spot ang biktima makaraang tumilapon ito mula sa minamanehong motorsiklo sa semento ilang metro ang layo mula sa pinangyarihan ng insedente.

Habang pitong mga pasahero ng Van ang naiulat na sugatan sa nasabing insedente.

Sa inisyal na pagsisiyasat, isang kulay berde na Toyota Hi-Ace van (WII 414) na minamaneho ni Melvin Laude Betuldez ay nag- over speeding habang tinatahak ang kahabaan ng North Upi road.

Sumalpok umano ang van sa kulay itim na Honda motorcycle na minamaneho ni Castro kaya tumilapon ito sa isang bangin.

Nawalan umano ng control ang driver ng van kaya sumalpok ito sa motorsiklo.

Kinilala naman ang mga sugatan na sina: Jun-Jun Durande, 20; Bai Puti Lauban Latip, 50; Faisa Guiabar, 24; Intan Dapbil, 70; Abutazil Tato, 80; at Evelyn Remasin, 29 na mabilis na isinugod sa Datu Blah Sinsuat Hospital sa Datu Blah, Maguindanao.  (Rhoderick BeƱez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento