NEWS UPDATES

USM, pumapangalawa sa top performing School sa katatapos na Licensure Examination for Agriculture

(Kabacan, North Cotabato/ August 5, 2013) ---Pumapangalawa ang University of Southern Mindanao sa top performing Schools sa buong bansa sa katatapos na Licensure Examination for Agriculture batay sa higit isang daang mga kumuha ng nasabing eksaminasyon.

Batay sa resulta na inilabas ng Professional Regulation Commission nakakuha ang USM ng 59.09% above national Passing rate.

Ang nasabing resulta ay inilabas ng PRC noong Huwebes ng gabi kungsaan 1,712 ang pumasa mula sa 4,861 na kumuha ng eksaminasyon na isinagawa sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Ilo-ilo, Legazpi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao at Zamboanga noong Hulyo.

Malaking karangalan naman di lamang sa College of Agriculture kundi maging sa Pamantasan ng Katimugang Mindanao ang karangalang iniukit ng mga mag-aaral ng unibersidad matapos na may 104 na bagong mga agriculturist na produkto ang Pamantasan. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento