Aniya, patuloy pa rin ngayon ang kanilang intel gathering para matumbok nila ang mga responsible sa nasabing krimen.
Ginawa ng opisyal ang pahayag matapos ang inihayag na deriktiba ni Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa mga otoridad na higpitan ang seguridad sa lugar.
Sa ngayon maliban sa police visibility at patrol operation ay nagpatupad na rin ng curfew hour ang LGU Kabacan, partikular na sa mga minor de edad.
Mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng madaling araw ang ipapatupad na curfew hours.
Kaugnay nito, huhulihin ng mga pulisya ang mga minor de edad na pakalat-kalat sa mga pangunahing kalye ng Poblacion.
Bukod dito, sinabi ni Maribojo na nagsasagawa na rin sila ng operasyon sa mga video K houses sa Poblacion, Kabacan na walang permit to operate at ipapahinto nila ang nasabing mga establisismento. (Rhoderick BeƱez)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento