NEWS UPDATES

Panibagong Tulak droga, huli ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ August 26, 2013) ---Kulungan ang bagsak ng 37-anyos na tulak droga makaraang mahuli ng pinagsanib na pwersa ng elemento ng Kabacan PNP at Philippine Drug Enforcement Agency PDEA 12 sa Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 4:30 ng madaling araw nitong Sabado.

Kinilala ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Jonathan Zamora Buenaflor, residente Hagonoy, Davao del sur.

Nakuha mula sa suspek ang isang plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu.

Nahuli ang suspek sa pinaniniwalaang pot session sa loob ng Video K Bar na pag-aari ng isang Mommy Pulido na nasa Rizal St., ng bayang ito.

Nabatid pa na bukod sa nasabing Video K bar ay may ilan pang mga bahay aliwan ang ginagawa rin umanong hide out ng mga illegal drug users and pushers, ayon sa report ng PNP.

Sa ngayon, nakahanda na ang kasong isasampa ng mga otoridad laban sa suspek. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento