NEWS UPDATES

Milyong halaga ng mga kagamitan, natupok ng apoy

(Cotabato City/ August 28, 2013) ---Tinatayang abot sa humigit kumulang sa P5M ang halaga ng kagamitang ang natupok ng apoy matapos masunog ang stock room ng Department of Health o DOH-ARMM sa Cotabato City kahapon ng umaga.
         
Ayon kay DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr., kabilang sa mga natupok ng apoy ay mga hospital equipment at mga gamot na hindi na magagamit matapos masira dahil sa sunog.

         
Naabu rin maging ang bakuna para sa dengue at malaria, mosquito nets, hospital beds, talaan ng Philhealth beneficiaries at iba pang mahahalagang dokumento.
         
Ayon sa opisyal, naagapan naman ang sana’y pagkakasunog sa ikalawang palapag ng gusali kungsaan nakatago ang iba pang hospital equipment na ipamimigay sa mga district hospital, Rural Health Units at Health centers.
         
Tumagal din ng halos isang oras bago naapula ang apoy na nagsimula alas 10:00 ng umaga kahapon at pasado ala 1:00 na ng ideklarang fire out ng Cotabato city Fire Marshall na pinamumunuan ni City Fire Marshall Adam Guiamad. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento