NEWS UPDATES

Malinis na tubig maiinom o Salintubig program, isinusulong ng Sanggunian sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ August 28, 2013) ---Naisalang na sa Sangguniang Bayan ng Kabacan ang panukalang pagbibigay ng malinis na tubig maiinom sa mga mamamayan bilang bahagi ng Millennium Development Goal MDG no. 7.

Batay sa nasabing panukala, iimplementa ng Pamahalaang lokal ang Memorandum of Agreement o MOA sa pagitan ng programang “Sagana at Ligtas na tubig sa Lahat Program o SALINTUBIG”.


Kabilang sa mga ahensiya na magpapatupad ng nasabing programa ay ang Department of Interior and Local Government, Department of Health, Local Water Utilities administration at ang National Anti-Poverty Commission.

Layon nito na pababain ng 50 porsiento ang populasyon sa bansa na walang mapagkukunan ng malinis na tubig na maiinom. (Rhoderick Beñez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento