NEWS UPDATES

Lalaking may deperensya sa pag-isip, nag-bigti

(Tampakan, South Cotabato/ August 27, 2013) ---Maagang sinalubong ni Kamatayan ang 40-anyos na lalaki matapos na magbigti sa kanilang bahay sa Purok Mabini, Brgy. Kipalbig, South Cotabato kanina.

Kinilala ang biktima na si Amay Dolojo, residente ng ng nabanggit na lugar.


Batay sa ulat ng Tampakan PNP, tinalian ni Dolojo ang kanyang leeg gamit ang lubid at biglang lumuhod upang humigpit ang pagkakatali nito hanggang sa ito ay binawian ng buhay.

Patay na ng matagpuan sa loob ng kwarto nito ang biktima ngkanyang mga pamilya.

Sa salaysay ng pamilya ni Dolojo, may deperensiya sa pag--iisip ang biktima na posibleng dahilan ng pagbigti nito.

Sa ngayon nasa isang punerarya sa bayan ng Tampakan ang bangkay ng biktima. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento