NEWS UPDATES

Ika-58th founding Anniversary ng College of Agriculture-USM, gugunitain

(USM, Kabacan, North Cotabato/ August 19, 2013) ---Puspusan na ang paghahanda ng College of Agriculture (CA-USM) sa ika-58 taong pagkakatatag nito ngayong darating na Agosto 24, 2013.

Batay sa opisyal na programa na inihanda ng kolehiyo, kabilang sa mga aktibidad na inihanda sa Agosto a-23 ay ang consultative meeting sa mga Provincial Agriculturist, Municipal Agricultural Officers, Bureau of Fisheries and Aquatic resources Officers kasama na rin ang Farmer Leaders ng North Cotabato kungsaan magiging facilitator dito si Dr. Josephine Migalbin.

Pangungunahan naman ni CA Dean Dr. Adeflor Garcia ang nasabing programa kungsaan nakasentro ang aktibidad sa temang “ enhancing Agri-Fisheries Development Thru Academe-LGU Partnership.

Magiging panauhing tagapagsalita sa nasabing programa si 3rd District Representative Jose “Ping-ping” Tejada.

Alas 7:00 ng umaga sa August 24 gagawin ang Parade susundan ng convocation program, alumni homecoming at sa hapon ang Techno-display Exhibits.

Suportado naman ni OIC Pres. Atty. Christopher Cabilen ang nasabing aktibidad. (Rhoderick Beñez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento