NEWS UPDATES

Flash Report! Granada, narekober sa Kabacan, NCot ngayong umaga lamang!

(Kabacan, North Cotabato/ August 14, 2013) ---Isang uri ng pampasabog ang narekober ngayong umaga lamang sa bahagi ng Purok Krislam, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:10 ngayong umaga.

Sa report na ipinarating sa DXVL News ni PCInps. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP isang handgrenade ang nakita habang nagpapatrol ang PNP at sundalo sa nasabing lugar.

Di naman sumabog ang nasabing Granada na ngayon ay nasa pag-iingat nan g Kabacan PNP at ng EOD team.

Matatandaan na ngayong araw ay magsisimula na ang ilang mga aktibidad ng ika-66th na taong pagkakatatag ng Kabacan dahilan kungbakit din hinigpitan ang seguridad sa bayan ng Kabacan.

Matatandaan na nito lamang ay dalawang grenade launcher ang pinasabog sa bayan at ang pinakahuli dito ay ang Comelec office na nasa Municipal compound ang tinamaan.

Wala namang may naiulat na nasawi o nasugatan. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento