NEWS UPDATES

COTELCO- PPALMA magsasagawa ng special general assembly

(Midsayap, North Cotabato/ August 16, 2013) ---Gaganapin ngayong a-24 ng Agosto ang isang special general membership assembly ng mga konsumidores ng Cotabato Electric Cooperative o COTELCO- PPALMA.

Nabatid na isasagawa ang pagpupulong sa Midsayap Municipal Gymnasium sa ganap na ala- una ng hapon.

Layon ng nasabing asembliya na muling ikonsulta sa member-consumers ang pagkuha ng sariling legislative franchise ng kooperatiba, ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista.

Noong nakaraang buwan, sa ginawang Annual General Membership Assembly ng COTELCO sa Matalam, North Cotabato ay napagkayariang payagan ang COTELCO-PPALMA na kumuha ng sarili nitong prangkisa.

Samantala, sumulat na umano si COTELCO-PPALMA OIC- General Manager Felix Canja kay Rep. Jesus Sacdalan upang imbitahin ang opisyal at makapagbigay ng impormasyon tungkol sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling legislative franchise ng kooperatiba.

Hnimok naman ni Canja ang mga konsumidores ng COTELCO-PPALMA na dumalo sa asembliya.
Sa kasalukuyan, ang COTELCO-PPALMA ay itinuturing na ‘separate business unit ng COTELCO Main.

Siniserbisyuhan nito ang mga bayan ng Pikit, Pigcawayan, Alamada, Libungan, Midsayap, at Aleosan sa unang distrito ng North Cotabato.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento