NEWS UPDATES

CAFGU, patay sa pamamaril sa Matalam, North Cotabato; suspek boluntaryong sumuko

(Matalam, North Cotabato/ August 6, 2013) ---Patay ang isang kasapi ng CAFGU ng pagbabarilin sa National Highway, partikular sa Mlang-Matalam na ruta sa bayan ng Matalam, North Cotabato pasado alas 9:00 ng gabi noong linggo.

Kinilala ni PSI Elias Diosma Colonia ang biktima na si Benmar Osano, nasa tamang edad at residente ng Brgy. New Antique, Mlang.


Ayon sa report ng Matalam PNP, habang minamaneho ng biktima ang kanyang Suzuki motorcycle plate number 3952, may isang grupo na tumawag sa kanya.

Isa sa nasabing grupo ang kumausap sa biktima na kinilalang si Cpl Alfie Calamba Balogo, 31 at nakadestino sa bayan ng Carmen.

Nagkainitan umano ang dalawa dahilan kung bakit tinutukan ng baril ni Osano si Balogo at mabilis na tumalilis palayo.

Pero di pa nakalayo ang biktima ay bianril na ito sa likod ng suspek na naging dahilan ng agara nitong kamatayan.

Boluntaryo namang sumuko ang suspek sa Matalam PNP.

Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon. (Rhoderick BeƱez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento