NEWS UPDATES

4.4 magnitude na lindol, yumanig sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ August 13, 2013) ---Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang Carmen, North Cotabato pasado alas 12:00 ng madaling-araw kanina.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naramdaman ang intensity 3 na lindol sa Carmen, North Cotabato.
Sinabi ng PHIVOLCS na naitala ang sentro ng lindol sa kanluran ng Carmen, North Cotabato dakong 12:20 kaninang madaling-araw.

Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 001.

Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershock sa naturang lindol. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento